CARING, SHARING...



























Wednesday, February 18, 2009 7:58 AM
From: "louie fuentespina"
On Tue, 2/10/09, Arnel F. Lagarejos wrote:
From: Arnel F. Lagarejos
Subject: Galing sa mga Pari ng Antipolo...
FOODS THAT KILL SOFTLY...
To: kaparian_ng_antipolo@yahoogroups.com
Date: Tuesday, February 10, 2009, 10:55 PM

FOODS THAT KILL SOFTLY

TAYONG mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan.Tinatawag natin na "PAMPABATA" dahil di na tayo aabutin ng katandaan pag kumain tayo lagi nito. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. SOFT DRINKS – Naku, guilty ka diyan, 'di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga diabetiko. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, tubig na lang!

9. FRENCH FRIES – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi nang maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong may sakit sa puso at mataas ang colesterol.

8. MATATABANG SARSA TULAD NG GRAVY, MAYONNAISE AT BUTTER - Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. ALAK — May mga pasyenteng nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, "Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote." Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapag-dudulot din nang maraming kanser.

6. JUNK FOOD – Nakaka-addict ang mga sitsirya, corniks at potato chips. Ito'y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan. Turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. HILAW NA KARNE O ISDA – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa at ginagawa minsang pulutan. Siguraduhing luto ang inyong kina-kain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bula-te sa suka o calamansi.

4. STREET FOOD – Ayon sa pagsusuri, 70 percent ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag hindi nag-hugas ang mga street vendors ng kamay, puwede itong lumipat sa ating pag-kain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at taho. Minsan, nakakita ako ng isang magtataho na gumamit ng kanyang tuwalya para tang-galin ang sobrang tubig sa kanyang taho. Huwag makipagsapalaran!

3. LAMAN LOOB – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bitu-ka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsa-sabi na nagdudulot din iyan ng kanser.

2. CHICHARON AT CHICHARON BULAKLAK — Sabi ng kaibigan ko, "Balat lang naman ang gusto ko eh, hindi naman taba..." "Eh saan ba nagtatago ang taba," sabi ko. "Sinawsaw ko naman sa suka," hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. LECHON- Ang paborito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resul-ta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, tikim-tikim lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan ko ang inyong damdamin, pero iyan po ang buong katotohanan. Ingat lang para ang life natin ay hindi maging too short and remember the song "Killing Me Softly!"

Thank you.

HEALTH ACTIVITIES

Reaching Out to the most disadvantaged...
the poor



LIST OF ACCOMPLISHMENTS
DATE PLACE ACTIVITY RECIPIENTS
02 JAN 08 LUHEB free clinic 85 medical, 25 dental
7-8 FEB 08 LAMBUSONG free clinic 126 medical, 28 dental
14-16 MAR 08 LABU health sem. 30 participants
12 APR 08 CLAO free clinic 206 medical, 23 dental
20 MAY 08 GLUNGGA free clinic 188 medical, 73 dental
26-28 JUN 08 GLUNGGA health sem 49 participants
25-27 JUL 08 CLAO health sem. 73 participants
27-29 AUG 08 SAMLANG health sem 65 participants
18-20 SEP 08 T’MUROK health sem. 55 participants
14-17 OCT 08 KIAME health sem. 81 participants, 218 got medicines
18-20 NOV 08 DATAL SAFANG health sem. 54 participants, 184 got medicines
11-13 DEC 08 TABLO health sem. 79 participants, 223 got medicines
22-24 JAN 09 BASAG health sem. 73 participants, 338 got medicines